MusicMint AI Music Generator Logo
MusicMint

Aking Luna v1

Acoustic guitar, slow, lo-fi, jazz, pop, funk, sweet, female vocals

Pandot·4:00

Lyrics

Verse 1

Ngalan ng isang bayani,

kung sa isip ay isasagi.

O, kaya ay patungkol sa buwan.

Nag-iisa sa ating kalangitan.

Pre-Chorus

Aking Luna; luwa ang mata,

pinid ang isip sa samu't saring saya.

Pilit ko man siya ay pakawalan, kalimutan;

bawat hakbang ko, tungo'y kawalan.

Chorus

Kanlong ko man siya sa twina.

Sa paglirip ng aming mga mata;

sabay kaming nagsasapantaha.

Mahal nga ba namin ang isa't isa?

Refrain

Araw-araw iyon ang aming diwa.

Naisin ko mang kanyang malasin;

O, Luna kailan mo ako papansinin?

Lagi sa akin ay malayo ang tingin.

Bridge

Wari ako ay isang manliligaw,

habang ang puso ay naliligaw.

Sinusuyo ang isang pakipot na ikaw,

hindi ko magawang makantiyaw

Verse 2

Si Luna ay isang dumalagang babae;

isang Chihuahuang saksakan ng arte.

Sa bawat sadali't inaraw-araw,

pagkai'y iba-iba; masasarap na putahe.

Verse 3

Bagaman ang Luna ko'y prinsesang-tasa;

Siya'y patatas na nakabilot sa aking kama,

Kasiping kong managinip sa twina.

Sa 'yo ay walang papantay, o aking Luna.

Coda

Lampasan ang gulang na dalawa't sobra pa.

'Pagkat sa piling ko; ikaw ay nag-iisa.

Kaya nais malamang ganap iyong damdamin.

Upang lumigaya ka sa twina sa 'king piling

Like this song? Create something similar