MusicMint AI Music Generator Logo
MusicMint

Tondo Ochenta

male vocals, free style rap, hip-hop, gangster rap, 80's, trap, dark, gore, explicit, hate, growl, low bass

Riatsama·3:59

Lyrics

Instrumental Intro

Chorus

Tundo nineteen-eighty-nine

Balikan; mga araw na iyong kinalakhan

Tundo nineteen-eighty-nine

Isang bahagi ng kasaysayan

Atin muli itong balikan, tunghayan

Isang pilas ng nakalipas,

Balikan mula sa kanyang pagkautas!

Alaalang pinagtagnitagni

Sinikap na bumalik sa ating landas

Verse 1

Lahat dito ay berdugo, tari ng tandang isang armas kumikitil ng estranghero

Tamse ng saranggola; ay de-koh-la

binudburan ng bubog na humihiwa,

Kayang pumutol ng leeg,

umembang ng ibang kalabang saranggola

Talim ng mga matang nakatitig sa iyo,

Iwasan mong pilit, at wag kang babanubano,

Baka mapagdiskitahan ka,

at humandusay na parang aso

Coda

Lahat gustong magpakilala,

Lahat gustong mag-iwan ng marka,

Eto ang Tundo sa taong dekada ochenta

Chorus

Tundo nineteen-eighty-nine

Balikan; mga araw na iyong kinalakhan!

Tundo nineteen-eighty-nine,

Isang pilas ng nakalipas,

Balikan mula sa kanyang pagkautas

Alaalang pinagtagnitagni

Sinikap na bumalik sa ating landas

Verse 2

Babarabara ka ng lakad, parang dito ka nakatira brad,

Baka ma- ayspik kita! Hala! Diretso lang ang tingin tuloy ang lakad!

Ang angas ng porma mo, kumikinang- ina mo ka pa sa ginto!

Para kang may hepa, tang-ina ka!

Mamili ka arbor ang ginto mo, o ika'y mapu-prusisyong nakahubo ang kasama mo!

Di mo ata alam ang buong paraisong ito'y ang manukan ko!

Direcho lang ng lakad, brad!

Amin na 'tong inahin mo, swahe ang pamakuan, kami na ang bahalang sumagad - lakad brad!

Coda

Lahat gustong magpakilala,

Lahat gustong mag-iwan ng marka,

Eto ang Tundo sa taong dekada ochenta!

Chorus

Tundo nineteen-eighty-nine,

Balikan; mga araw na iyong kinalakhan

Tundo nineteen-eighty-nine,

Isang pilas ng nakalipas

Balikan mula sa kanyang pagkautas

Alaalang pinagtagnitagni,

Sinikap na bumalik sa ating landas.

Verse 3

Masyado ka yatang nawiwili sa pakikialam sa nasasakupan ko,

Kung sino pa ang dayo, sya pa ang matapang at mahilig manggulo.

Nagpapalapad ka ng papel, nagpapalakas ng grupo,

nagpapakilala sa bawat lakad,

sa trobol, at gulo!

Sumpakin nga kita sa ulo!

Tsaka ka namin ihinambalang sa riles na may dumaraan. sabog ang ulo mo't katawan!

Walang makaaalam, mga kabalwarte tikom ang bibig mga walang nalalaman.

Sa nitso mo na lang maririnig ang yong pangalan!

Outro

Till fade

Tundo nineteen-eighty-nine

Balikan mga araw na iyong kinalakhan

Tundo nineteen-eighty-nine

Isang bahagi ng kasaysayan

Atin muli itong balikan, tunghayan!

Like this song? Create something similar

Related AI Music Generators