Skip to content
Music
Mint
Home
Explore
Create
Library
Studio
Song Maker
Lyric Video
Lyrics Writer
Rap Lyrics
Rap Name
Cover Art
Music Video
Short Video Kit
Vocal Remover
White Noise
Search
/
Upgrade
Loading...
Song
Graduation Song (Tagalog) ver.2
Pandot
·
May 2025
·
4:36
acoustic
melancholic
nostalgic
female vocals
23 plays
0
Share
Create similar
Lyrics
Sing-along
Full text
Pre-verse
Araw ay bumubukas sa kalangitan
Habang ating mga paa'y pasulong na lumalakad... Inaalaala... (Bago tuluyang bumuhos ang mga luha)
Tayo nga ay magtatapos na...
Verse 1
Minsan nga tayo ay nag-away
Sa maliliit, at walang katuturang bagay-bagay
Kinuha mo ang lapis ko, (Ang puso ko ay nakabig mo)
Pumilas ng pahina sa kwaderno ko (Pumasok ka sa natutulog kong mundo)
Sa oras ng uwian, hindi mo ako sinabayan
Ilan lang sa mga alaalang natutunan ko nang balikan.
Pre-Chorus
Tanaw kita sa 'di kalayuan
Mga upuan lang sa atin ay pumapagitan
Pareho pa rin ba tayo ng eskwelahang papasukan?
Kaninong kamay ang una mong hahagkan?
Chorus
Hindi ko mapigilan ang pagluha
Bawat patak nito ay mga gunita
Masasayang alaalang kaysarap balikan
Malulungkot ma'y 'di tinalikuran
Naging bahagi ng sarili
At kailanma'y hindi na hihikbi
Kaya't punasan ang iyong luha
Paalam... Kamusta?
Verse 2
Isinumbong kita kay mam
Siya ang naging shoulder to cry on ko,
Sa tuwing malilimutan mong "tayo"
Em Yu; may "Maling Ugnayan" yata tayo
'Di kita mabanggit sa mga magulang ko,
At baka sila'y magarote ako (ako)
Kaya't kinabukasan tayo ay may samaan.
Ilan lang sa mga alaalang natutunan ko nang balikan.
Pre-Chorus
Tanaw kita sa 'di kalayuan
Mga upuan lang sa atin ay pumapagitan
Pareho pa rin ba tayo ng eskwelahang papasukan?
Kaninong kamay ang una mong hahagkan?
Chorus
Hindi ko mapigilan ang pagluha
Bawat patak nito ay mga gunita
Masasayang alaalang kaysarap balikan
Malulungkot ma'y 'di tinalikuran
Naging bahagi ng sarili
At kailanma'y hindi na hihikbi
Kaya't punasan ang iyong luha
Paalam... Kamusta?
Bridge
Pagtapos ng seremonyang ito,
Hahanapin kita ng tingin.
Sa aking mga mata'y ikaw ay ididiin!
Ikaw ang bumuo sa aking pangarap
Umagaw sa isip at puso ko
Sa tuwing kunwari'y nag-aaral ako
Outro
Ngunit sa pangaral at gabay ng ating mga minamahal.
Mga kaanak (Mama, papa, ate, kuya, bunso)
Sa aming mga guro (Mam, ser!)
Sa mabubuti nating kaibigan, classmate (Crushmate?)
Hindi ko malilimutan, mga karanasan, natutunan, dinamdam,
Mga aral ng buhay sa matalinhaga ninyong gabay
Paalam... Kamusta?
Outro
Ngunit sa pangaral at gabay ng ating mga minamahal.
Mga kaanak (Mama, papa, ate, kuya, bunso)
Sa aming mga guro (Mam, ser!)
Sa mabubuti nating kaibigan, classmate (Crushmate?)
Hindi ko malilimutan, mga karanasan, natutunan, dinamdam,
Mga aral ng buhay sa matalinhaga ninyong gabay
Paalam... Kamusta?
Related AI music generators
AI Rap Song Generator
Home
Explore
Create
Song
Lyric Video
Lyrics Writer
Rap Lyrics
Rap Name
Cover Art
Music Video
Short Video Kit
Vocal Remover
White Noise
All tools
Library
Me